Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 87 - Ramdam Kong Kayong Dalawa ay Hindi Natulog.

Chapter 87 - Ramdam Kong Kayong Dalawa ay Hindi Natulog.

Mabilis na naglinis si Chen Guo at para bang hangin na lumitaw sa Internet Cafe. Habang ang mga empleado ay binabati siya ng "Morning Boss", ang kaniyang mga mata'y napunta kay Tang Rou na nasa non-smoking area.

Ang kaniyang pagmumukhay parehas kay Chen Guo na may saktong tulog: Nakatuon ang pansin at walang kahit na ano mang bakas ng pagod. Pumunta rin si Chen Guo sa smoking area at ang kaniyang mga mata'y napunta sa isa pang tao. Si Ye Xiu ay nandito't naninigarilyo, bumubulwak mula sa kaniyang bibig ay isang putting ulap ng usok. Sa loob ng usok na iyon, ay maaring makita ang pagmumukha ng isang taong naglalaro.

Sa umaga! Ito ang panahon sa buong araw na halos walang naglalaro sa Internet Cafe. Bahagyang mas madalang ang mga bisita kaysa sa gabi at tanghali. Ang tunog ng kanilang keyboard habang naglalaro ay dinig na dinig sa buong Internet Cafe. Pa pa pa pa.

Hindi pinansin ni Chen Guo si Tang Rou: "Naglalaro ka pa. Gusto mo bang mamatay?" Lumapit si Chen Guo habang nagsasalita.

Walang sagot. Suot pa ni Tang Rou ang kaniyang headphones, at tanging naririnig lamang niya ay ang mga boses at tunog sa loob ng laro. Ang Chen Guo na nakatayo sa gilid niya'y hindi niya napapansin.

Walang magawa si Chen Guo kundi tanggalin ang kaniyang headphones. Tanging sa mga sandaling iyon lang sumagot si Tang Rou.

"Ang aga mo namang gumising!" Bumaling si Tang Rou at binati si Chen Guo bago bumalik sa paglalaro, pa pa pa pa.

"Nahihibang kana sa paglalaro." Walang magawa si Chen Guo. Siya'y nagsimulang nag-aalinlangan kung tama ba ang ginawa niyang paghatak kay Tang Rou sa Glory.

"Ha ha." Napatawa si Tang Rou pero wala siyang sinabing kahit na ano.

"Anong Level?" Lumapit si Chen Guo para tumingin.

"Level 16. Mas mataas pa ang Level ng Lord Grim ni Ye Xiu ng 5 levels." Sinabi ito ni Tang Rou at binuksan ang kaniyang friends list. Pagkatapos nakita ang pangalan ni Lord Grim, napasigaw siya sa gulat: "Woah, nag-level up nanaman siya. Level 22 na siya ngayon."

"Ginagawa niyo namang paligsahan! Tapusin mo muna ang dungeon at matulog ka na. Pagkatapos mong matulog, maari ka nang bumalik at maglaro." Nakita ni Chen Guo na ang Soft Mist ni Tang Rou ay nasa Skeleton Graveyard ng beginner village. Nagso-solo rin siya, sinong maniniwala na siya'y isa ring baguhan sa Glory?

"Anong tulog? Oras na para pumunta ako sa trabaho." Sagot ni Tang Rou.

Nabigla si Chen Guo. Tama, ngayon, si Tang Rou ang nasa morning shift, dapat ay nakaupo siya ngayon sa reception desk.

"Pupunta ako pagnatapos ko na 'tong dungeon!" Napangiti si Tang Rou kay Chen Guo. Kahit na gaano kaganda ang kanilang relasyon, siya ay kaniya pa ring boss. May mga trabaho rin si Tang Rou sa Internet Cafe. Hindi siya kumakain at natutulog dito ng libre, tanging ang paglalaro lang niya ang libre.

"Magpahinga ka muna! Tatawag ako ng papalit sayo." Tugon ni Chen Guo.

"Hindi na kailangan, hindi na kailangan." Nakipagusap si Tang Rou kay Chen Guo habang ang kaniyang kamay ay hindi manlang tumigil.

Sa gabing ito, sa pamamagitang ng mga patnubay at ang laro, natutunan ni Tang Rou kung papaano gamitin ang low-level skills ng Battle Mage. Si Tang Rou ay naging mas mahusay at hindi na nakadepende sa reaction at hand speed para maglaro.

"Sige!" Sa ilalim ng panonood ni Chen Guo, ang Soft Mist ni Tang Rou ay na-solo ang final BOSS ng Spider Cave. Pagkatapos mag-log out sa laro at napatay ang kompyuter, agad-agad siyang dumeretso sa reception desk. Tahimik na sumunod si Chen Guo at nang nakarating siya sa reception desk, si Tang Rou ay nakabalik na sa laro.

"Dapat naman sigurong kumain tayo, hindi ba?" Sabi ni Chen Guo.

"Hindi ka pa kumakain? Salamat!" Napatawa si Tang Rou na para bang nakakuha siya ng pabor.

"Wala na akong masasabi pa!" Pinilit ni Chen Guo na ngumiti. Umalis siya para bumili ng agahan at bumalik para bigyan si Tang Rou. Binilhan rin niya si Ye Xiu.

"Ah! Boss, napakabait mo naman." Kinuha ni Ye Xiu ang agahan at sinabing, "Hindi naman kita nilagyan ng kumot kagabi. Nakatulog ka ba ng mahimbing?"

"Nahihibang na talaga kayong dalawa!" Naisip ni Chen Guo na may tatlong taong nakatira sa mga kwarto kanina. Pero nung siya ay gumising, nalaman niyang siya'y nag-iisa lamang.

"Oh? Hindi rin natulog si Little Tang?" Sinabi ito ni Ye Xiu at binuksan ang kaniyang friends list. Siguradong-sigurado, si Soft Mist ay online pa.

"Hindi mo alam?" Natulala si Chen Guo. Wag mong sabihin na ang dalawang ito'y hindi manlang nag-usap sa isa't-isa sa buong magdamag? Hinahabol ni Tang Rou ang level ng taong 'to, pero siya'y hindi manlang ito nalalaman.

"Hindi ko namalayan. Perfect. May kailangan pa akong sabihin sa kaniya!" Kinuha ni Ye Xiu ang kaniyang agahan at umalis para hanapin si Tang Rou.

Sa mga sandaling ito, kinakain ni Tang Rou ang kaniyang agahan habang nakatingin sa patnubay para sa Battle Mage. Nang makita niyang paparating si Ye Xiu, agad niyang nalunok ang pagkain sa kaniyang bibig. Pagkatapos pahiran ang kaniyang labi, tumango siya at nangumusta.

'Anong level ka na?" Nagtanong si Ye Xiu.

"Level 16."

"Ambilis! Bilisan mong makarating sa Level 25. May gagawin tayong masaya." Sabi ni Ye Xiu.

"Oh? Anong gagawin natin?" Nagtanong si Tang Rou.

"Nakita mo ba yung Frost Forest clear record?" Nagtanong si Ye Xiu.

"Nakita ko. Parang na lamangan nila ang record mo!" Sagot ni Tang Rou. Palagian niyang sinusundan ang mga records dahil orihinal na ginusto niyang lamangan si Ye Xiu. Pero sa huli, hindi niya naiisip na talagang may natalo sa gabing iyon, kahit na nalamangan si Ye Xiu, ang oras niya'y mas maganda pa sa orihinal niyang record.

"Hindi lang natalo ang record ko. Iyon rin ang pinakamataas na record sa buong sampung server ng Glory." Sabi ni Ye Xiu.

"Gusto mo itong bawiin?" Tanong ni Tang Rou.

"Yup. Masaya, hindi ba?" Tugon ni Ye Xiu.

"Mas masaya kung makukuha mo ito ulit at matatalo ko yung sayo." Sagot ni Tang Rou.

"Mamaya na kung magkalaban na tayo!" Hindi alam ni Ye Xiu kung iiyak ba siya o tatawa. Malinaw na talagang gusto siyang talunin ng babaeng ito.

"Ha ha." Napatawa si Tang Rou.

"Kapag nakatungtong ka na sa Level 20, subukan mo muna ang dungeon! Para bang hindi mo masyadong sineseryoso ang record na ito." Sabi ni Ye Xiu.

"Nagbibiro lang naman ako. Syempre pambihira iyan, yan kaya ang pinakamataas na record sa lahat ng sampung servers ng Glory." Sagot ni Tang Rou.

"Oh, bilis mo't magpa-level ka na!" Napabuntong hininga si Ye Xiu. Nag-aalala siyang ang babaeng ito'y masyadong mapagmalaki.

"Sige." Tumango si Tang Rou.

"Matutulog ka ngayong gabi?" Nagtanong ulit si Ye Xiu.

"Ma..."

"Hoy! Sumusobra na kayong dalawa!!!" Biglang napatalon si Chen Guo at pinigilan silang dalawa. Pagkatapos marinig ang kanilang sinabi, para bang walang planong matulog ang dalawang ito. Kinakailangan ba talaga nilang maglaro ng ganyan?

"Relax boss. Hindi ito magiging sagabal sa aming trabaho." Sabi ni Ye Xiu.

"Hindi maari. Lahat ng mga kompyuter sa Internet Cafe ay sa akin. Hindi ko kayong hahayaang maglaro." Hindi makatwirang sabi ni Chen Guo.

Napabuntong hininga si Ye Xiu. Kumatok siya sa reception desk: "Little Tang, gawan mo ako ng membership card."

Nabigla si Tang Rou, pero kaagad niyang ginawa ito habang bumubulong sa kaniyang sarili: "Gagawa rin ako para sa sarili ko!"

Gumuho si Chen Guo. Talagang mamamatay siya sa galit! Ang pinakanakakainis pa ay sinusundan ni Tang Rou ang mga yapak ni Ye Xiu. Wala na siya, wala na siya! Isang araw palang siyang naglalaro ng Glory pero wala na siya.

"Wala na akong pake sainyong dalawa." Umalis si Chen Guo habang galit.

"Cough, bilisan mo't magpa-level." Hindi na binanggit ni Ye Xiu ang membership card, sinabihan nalang niya si Tang Rou na mag-ingat bago bumalik sa smoking area para magpatuloy sa pagpapa-level.

Ang morning shift ni Tang Rou ay mula 7 ng umaga hanggang 3 ng hapon. Madalang ang mga bisita sa umaga, kaya siya'y hindi masyadong abala at nakakapaglaro pa. Sa hapon, nagsisimulang magsidatingan ang mga bisita at magiging abala siya sa reception desk. Gayunpaman, nagpatuloy siya sa kaniyang pagtiya-tiyaga.

Pero tumigil si Ye Xiu nang dumating ang hapon. Pinuntahan niya si Tang Rou at nakitang naglalaro pa rin siya kahit na sobrang abala niya. Ito'y hindi madali.

"Talagang hindi ka matutulog?" Nagtanong si Ye Xiu.

"Nasa akin ang morning shift. Hindi ako pwedeng umalis hanggang 3." Sagot ni Tang Rou.

"Sige." Tugon ni Ye Xiu, "Kailangan mo pa ring matulog, nakakaapekto ang walang tulog sa paglalaro."