Sa entablado, walang dudang God si Sun Xiang. Walang tututol laban dito. Ngunit sa labas ng entablado, paulit silang nahihiya dahil kay Sun Xiang.
Kahit na hindi rin mali ang mga sinabi niya, wala sa tamang oras ang mga ito. Nasa ibang paksa ang lipad ng utak niya kumpara sa talagang pinag-uusapan nila.
Bagay ang edad ni Sun Xiang sa ugali niya. Pero anong magagawa nila? Kailangan niyang maging taong maaasahan para sa responsibilidad na nakapatong sa balikat ng posisyon niya. Sa kasamaang palad, habang gumagaling ang kakayahan ni Sun Xiang sa Glory, kabaliktaran naman ang kondisyon ng paglaki niya sa labas ng laro dalawang taon na ang nakalipas sa pro scene.
Hindi niya naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ni Chen Yehui. Binawasan na rin ni Xiao Shiqin ang saklaw ng paksa ngunit hindi niya pa rin naiintindihan ang gustong ipahiwatig ng lahat.