Nabigla lamang si Wei Chen sa pangalan ni Wang Jiexi, dahil nagdalawang-isip siya sa kung gaano na ba katanda si Wei Chen sa mga sandaling ito. Hindi naman nasilayan ng dalawa ng isa't-isa noong una kaya hindi naman talaga pinagtuonan ng pansin ni Wang Jiexi si Wei Chen.
Pero para sa Team Blue Rain, lubusan silang nagulat matapos makita ang pangalan na ito.
Nakalatag ang diyaryo ng eSports Home sa lamesa, at pinapalibutan ito ng lahat ng mga manlalaro ng Team Blue Rain. Walang kahit na sino sa kanila ang nagsalita, dahil kasalukuya'y may iniisip silang lahat.
Para sa Team Blue Rain, kahit na ang mga binatang masyadong bata pa kagaya nila Lu Hanwen at iba pa'y narinig na nila ang pangalan ni Wei Chen. Ito ay dahil sa naging parte naman kasi ng kasaysayan ng Team Blue Rain si Wei Chen. Siya mismo ang nagtatag sa pundasyon ng Team Blue Rain.