Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 84 - Kailangan ng Makakatulong

Chapter 84 - Kailangan ng Makakatulong

Ang magandang tiwala sa sarili ni Ye Xiu ay nagbigay ng pagaatubili sa dalawa, pero may napakaseryosong isyu pa silang kinakaharap ngayon.

"Mga ilang araw pa ang kailangan bago ka makarating sa Level 25? Hindi pwedeng dito nalang kami sa Level 25 para hintayin ka!" Sabi ni Cold Night. Si Lord Grim ay nasa Level 21 at hindi siya nagpapa-level buong magdamag. Kinakailangan niya ng tatlo o apat na araw para marating ang Level 25. Hindi maaring sayangin ni Cold Night ang tatlo o apat na araw na ito. Ang kanilang mga pangunahing miyembro ay talagang lalampas sa Level 25.

"Ang kalaban natin ay may tatlo o sobra pang pro level na manlalaro." Tugon ni Ye Xiu.

Pagkatapos narinig ni Cold Night at Endless Night ang mga katagang ito, sila'y naghintay sa mga susunod pa niyang sasabihin, pero hindi na sinundan ng kabilang dulo ang kaniyang sinabi.

Nung magtatanong na sana si Cold Night, biglang napatalon si Endless Night at sumigaw: "P*TA, ibig mong sabihin na ang husay at galing namin ay hindi sapat?"

Dahil palaging hindi nakakasama si Endless Night sa mga elite party dahil siya'y isang Cleric, sa kasamaang palad, bahagyang wala na siyang tiwala sa kaniyang kakayahan. Sa mga sandaling ito, naintindihan na ni Endless Night ang ibig sabihin ni Lord Grim.

"Para lamangan ang normal na record, sapat na kayo. Pero sa record na ito.....malalamangan lang ito pag ang buong party ay may Level 25s na Orange equipment." Sagot ni Ye Xiu.

Ang isang Orange equipment party sa bagong server ay isang pangarap lang. Kahit na sa lumang servers, ang paggamit ng pera para lang makagawa ng Level 25 Orange equipment na party para lamang sa Frost Forest dungeon record ay isang malaking biro.

Ang pagsasayang ng kanilang hirap at dugo para sa isang low-leveled dungeon ay hindi sulit.

Karapat-dapat na tawaging guild leader si Cold Night. Kahit na hindi siya parehas kay Endless Night, nakahinuha na siya ng iba pang mga maaring gawin: "Huwag mong sabihin na kailangan nating maghanap ng mga manlalarong pro-level?"

Pagkatapos masabi ito, naisip ni Cold Night na ito'y hindi kapani-paniwala. Ang Frost Dungeon ay ang lowest level dungeon sa ikasampung server, at kinakailangan pa nila ng tulong mula sa mga pro players? Iyan ay isang malaking kalokohan!

Sa huli, napatawa si Ye Xiu:"Frost Forest lang ito! Malaking kalokohan na gagamit tayo ng mga pro-players. Sa totoo lang, basta't may mga manlalaro kayong medyo mabilis ang kamay, maabot rin natin ang limit."

"Kayang abutin ang limit ng medyo mabilis na kamay? Kung ganoon, ang mga pro-players ay mas mataas pa pala!" Sabi ni Endless Night.

"Ganito nalang. Una, wag niyo munang isipin ang lakas ng inyong mga accounts. Sa kasalukuyang level ng bagong server, bawat eksperto sa lahat ng guild ay pare-parehas lang hindi ba?" Tugon ni Ye Xiu.

"Yeah..." Inamin ito ni Cold Night. Sa ganitong klase ng five player party, ang kanilang kalamangan sa ibang mga guilds ay limitado. Pero basta't lahat ng nasa kanilang party ay mga eksperto, kaya nilang makipaglaban sa iba, at ang kanilang party ay hindi mas masama kaysa sa Excellent Dynasty.

"Kaya sa huli, ang talagang nakakaapekto sa clear record ay ang iyong mechanical skill. Sabihin nating ang galing ng pro-player ay nasa 10. Pero sa loob ng isang low-leveled dungeon gaya ng Forst Forest, ang magagamit lang nila ay 5. Ang skill level na 10 o ang skill level na 9 ay maaring makagamit lang ng 5 sa dungeon na ito. Naiintindihan niyo ba?"

Malinaw na naintindihan ito ni Cold Night at Endless Night. Ito'y para bang ang kanilang kalaban ay may 100 na life. Ang kanilang 1000 na attack damage ay parehas lang sa 100 na attack damage. Kahit na sampung beses na mas mataas ang kanilang attack damage, ang resulta ay parehas lang. Ang dahilan ay kahit na 1000 ang kanilang attack damage, ito'y hindi magagamit dahil ang life ng kalaban ay 100 lang.

"Kung ang sinasabi mo ay mechanical skill, kami ni Cold Night ay hindi na masama." Sagot ni Endless Night.

"Hindi na kayo masama, kayong dalawa siguro ang pinakamagaling sa buong Tyrannical Ambition, hindi ba? Pero kayo ay... Ang isa'y Knight, at ang isa'y Cleric..." Sabi ni Ye Xiu, "Pwede ba kayong maglaro gamit ang ibang class?"

"Papaano...Papaano kung pwede?" Maingat na nagtanong si Endless Night.

"Dahil ganyan ang pagkasabi mo, masasabing hindi niyo kaya." Tugon ni Ye Xiu.

Habang nalulungkot si Endless Night, dumagdag si Cold Night: "Kaya kong maglaro bilang isang Elementalist...Pero medyo mahirap gamit ang account na ito. Ang account na mahihiram ko'y tiyak na magpo-power level. At siguradong hindi hihinto sa Level 25."

"Kung ganyan nga, kahit na magtawag pa kayo ng eksperto para maglaro para sa inyo, hindi parin madaling ayusin ang problema sa account na ito!"

"Tama!" Inamin ni Cold Night. Sa bagong server, lahat ng mga nasa Level 25 ay nakatuon sa power leveling. Sila'y hindi maaring pansamantalang huminto. Tungkol naman sa ibang mga manlalaro, hindi pa nga nila masyadong kilala ang mga kaka-recruit palang na manlalaro, papaanong hihiramin nila ang kanilang mga accounts? Kahit na may papayag, ang kanilang mga account cards ay totoong mga bagay na dapat nasa isang kwarto kasama ang kompyuter.

"Player at account. Kaya ko kayong tulungan na maghanap niyan." Sabi ni Ye Xiu.

Matagal nang alam ni Cold Night kung gaano kalaki ang tiwala ng lalaking ito sa kaniyang sarili. Kapag ang lalaking ito'y nagsimula ng kaniyang party, tiyak na tataas ang kaniyang presyo. Kung para sa Frost Forest clear record lang, iyon ay hindi karapat-dapat.

"Hindi tataas ang offer namin." Mahigpit niyang sabi.

Hindi inaasahan na ang iniisip nilang napakahayok na si Lord Grim, ay tunay na walang intensyon na taasan ang presyo at tumawa: "Hindi ko kailangan yan, ang presyo ay parehas pa rin. Pero kayo ay may idadagdag na extra."

"Extra?"

"Bigyan mo ako ng info tungkol sa classes, equipment at lahat, galing sa mga limang manlalaro ng Excellent Dynasty na nagtatag ng record. Mas detalyado mas maganda." Tugon ni Ye Xiu.

"Magagawan...Magagawan ko iyan ng paraan." Sabi ni Cold Night.

"Atsaka, kinakailangan ko rin ng mga equipment galing sa inyo." Dagdag ni Ye Xiu.

"Equipment?"

"Ang pinakaimportante ay ang Level 25 Purple weapons. Syempre, pwede rin ang iba pang mga equipment. Pansamantalang hihiramin ko lang ang mga ito. Pagnatapos na ang lahat, isasauli ko sainyo. Kung kailangan niyo ng lagak mula sa akin, magagawa ko rin iyon." Tumawa si Ye Xiu.

"Anong mga class?"

"Humanap muna kayo ng info tungkol sa limang manlalarong iyon mula sa Excellent Dynasty. Pagkatapos niyan, malalaman ko kung ilang mga pro-level players ang mayroon sila." Sabi ni Ye Xiu.

"Sabihin mo muna sa akin kung anong mga class para mapaghandaan ko." Tugon ni Cold Night.

"Sige, isang Battle Mage, isang Brawler, at… isang Launcher, iyan muna." Sagot ni Ye Xiu.

"Battle Mage? Hindi si Thousand Creations ang pupuntahan mo, hindi ba?" Nagsimulang pagpawisan si Cold Night. Sa kasalukuyan, sa ikasampung server, Si Thousand Creations ng Blue Brook Guild ay isang Battle Mage na may mataas na mechanical skill.

"Syempre. Kung siya ang hinahanap ko, kailangan pa ba niya ng Purple weapon?"

"Tama rin yan." Sabi ni Cold Night, "Kung ganoon sino ang pupuntahan mo?" Tunay na karapat-dapat siyang tawaging guild leader! Palagi siyang sensitibo sa mga talentado.

"Kailangan ko pang pag-isipan!" Tugon ni Ye Xiu.