Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 830 - Hindi Na Muna Isasapubliko

Chapter 830 - Hindi Na Muna Isasapubliko

Mga halos isang taon pa lamang ang karanasan ni Chang Xian sa trabahong ito, kaya wala pa siyang nakukuhang pagkakataon para sa mga eksklusibong panayam. Pero nagawa niyang linangin ang galing niya sa mga litrato noong kasama niya si Cao Guangcheng sa kaniyang mga eksklusibong panayam.

Sa galing ni Chang Xian sa mga litrato ay ginusto pa ngang makahingi ni Chen Guo ng kopya sa mga litratong ipinakita niya sa kaniya. Pero pinigilan niya ang kaniyang nararamdaman, dahil hindi naman maaring umasta siya na para bang isang bata, hindi ba?

Matapos makunan ang mga litrato ay natapos na rin ang panayam na ginawa ni Chang Xian sa Team Happy. Kung susumahin ay hindi ito naging masyadong mahaba. Pagkatapos magpaalam ay umalis na si Chang Xian.

Ngayong mag-isa na lamang siya't pabalik na siya sa kaniyang tinatrabahuan ay biglang nanghinayang si Chang Xian.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS