Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 829 - Sapat na Ito

Chapter 829 - Sapat na Ito

"Mayroon akong kaibigan, noon..." Naging malamig, at malungkot ang tono ng pananalita ni Ye Xiu, habang hinihigop niya ang usok na mula sa kaniyang sigarilyong nasa pagitan ng dalawa niyang daliri.

Natahimik ang lahat, naisip nila na maaring isang nakakalungkot na istorya ang isasalaysay ni Ye Xiu sa kanilang lahat sa mga sandaling ito. Kahit na si Chang Xian ay dali-daling inilapit ang kaniyang Recorder Pen, takot na may makaligtaan siyang salita mula kay Ye Xiu.

"Na magaling maglaro ng Glory..." Sabi ni Ye Xiu.

"Pero siya'y namatay." Napabuntong hininga si Ye Xiu, tinanggal niya ang abong nasa dulo ng kaniyang sigarilyo bago niya tiningnan si Chang Xian.

Dahil sanay na sa mga panayam si Chang Xian ay pamilyar siya sa ipinapahiwatig ni Ye Xiu sa kaniya, pero ang paglitaw nito sa mga sandaling ito ay kakaiba. Dahil dito ay hindi mapigilang magtanong ni Chang Xian kay Ye Xiu: "Tapos na po?"

"Tapos na." Sabi ni Ye Xiu.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS