Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 824 - Ganiyan Talaga Sila Kalakas?

Chapter 824 - Ganiyan Talaga Sila Kalakas?

Reflect Attack!

Halos mabulunan sa gulat si Wu Chen. Talagang hindi niya inaasahan ito. Ang Laser Rifle ay isang napakabilis na atake, kaya hinddi niya inaasahang maibabalik ng kaniyang kalaban ang Laser Rifle na pinadala niya. Idagdag pa na sa bilis ng Laser Rifle ay siguradong hindi niya magagamit ang Stinger.

Sinubukang pigilan ng ibang mga kasamahan ni Wu Chen ang Warlock na si Windward Formation matapos nilang marinig ang kaniyang sigaw. Naipadala nila ang kanilang atake, at tumama ito sa Shield ni Lord Grim.

Magpapadala na sana sila ng ikalawang atake nang biglang nakakita ng isang kulay asul na liwanag na kumurap sa kanilang harapan ang kanilang mga mata, kasabay ng pagkurap ng asul na liwanag ay naging parang malamig ang buong paligid.

Ghostblade Skill: Ice Soul Protection Boundary, maari mo rin itong tawaging Ice Boundary.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS