Sa wakas ay magsisimula na rin ang Team Competition sa pagitan ng Team Happy, at Team Everlasting, ang Team Everlasting pa rin ang may kalamangang pumili ng mapa, at sa unang beses sa buong labanan sa pagitan nilang dalawa ay hindi na Riverside Veranda ang paglalabanan nila.
Flagged Flame Springs.
Sa isang malawak na bakanteng lote, sa ilalim ng nakasusunog na liwanag ng araw ay pinapagalaw ng hangin ang ilang mga makukulay na banderang nakatirik. Hindi lamang mga pang-dekorasyon ang mga bandera na ito, bawat isa sa kanila ay mga palatandaan.
Sa bawat banderang nakatirik ay mayroong iba't-ibang lugar sa likuran nila na hindi maaring basta-basta mo na lang apakan. Dahil naglalapat ng iba't-ibang mga debuff, at status effects ang mga lugar na nasa likod ng bawat bandera.