Matapos ang pagpapakilalang ito ay nawalang parang isang bula ang tuwang nararamdaman ni He An, at nanatiling nakabuka ang kaniyang bibig sa gulat. Sa loob ng ilang mga sandali ay hindi niya alam kung papaano siya sasagot sa sinabi ng kasamahan niya.
Mabuti na lamang ay wala pa siyang binibitawang mga pagmamayabang na salita, kaya madali pa rin para sa kaniya na ayusin ang sitwasyong ito. Bahagyang umubo si He An, inayos niya ang kaniyang sarili at kalmadong binati si Ye Xiu.
"Kamusta, maupo ka dito!" Ngumiti si Ye Xiu, pero wala siyang masyadong sinabi.
Kumuha naman ng upuan ang bawat isa sa kanila. Si Chen Guo ang unang nagsalita. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa't deretsahan niyang sinabi kay He An na: "Ano ba ang pakay mo sa aming dalawa?"