Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 806 - Maayos ang mga Kagamitan

Chapter 806 - Maayos ang mga Kagamitan

Talagang mayaman nga ang Team Heavenly Swords. Sa tulong ng pera ay nagawa nilang bumili ng dalawampung Silver na kagamitan. Suot ng limang mga karakter nila ang lahat ng mga Silver na kagamitang binili nila.

Gayunpman, dahil sa pagkakaiba ng kanilang class ay hindi pantay-pantay na naibahagi sa bawat class ang mga Silver na kagamitan.

Sa huli, mayroong limang Silver na kagamitan si Loulan Slash, lima rin para sa Battle Mage na si Homeward Bound, apat para sa Grappler na si Night Tide, apat rin sa Cleric na si Thousand Falling Leaves, at tanging dalawa lamang ang para sa Elementalist na si Ocean Ahead.

Sa katunayan ay hindi naman talaga marami ang dalawa o limang Silver na kagamitan. Ito ay dahil sa maaring gumamit ng labing-dalawang kagamitan ang isang karakter. Sina Loulan Slash, at Homeward Bound ang mayroong pinakamaraming bilang ng Silver na kagamitan sa Team.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS