Ang ganitong klase ng labanan ay kadalasang tinatawag na isang pang-gabay na labanan. Hindi isinasagawa ang labanang ito para makamita ng tagumpay.
Ang tagapag-gabay o tagapagturo ay sasadyaing magpaparaya para makahanap ng pagkakataon ang kaniyang tinuturuan na umatake sa kaniya. Syempre, malinaw na kinakailangang isang pambihirang manlalaro ang magbibigay ng patnubay.
Kasi naman, kapag ang tagapagturo ay isang baguhang manlalaro o isang manlalarong hindi pa sapat ang karanasan sa paglalaro ay hindi niya lubusang matuturuan ang kaniyang tinuturuang.
Sa lahat ng mga taong naglalaro ng Glory ay ang pinakapamilyar sa mga ganitong klase ng labanan ay iyong mga taong nasa mga Training Camp ng mga malalaking Club.
Ito ay dahil kadalasang nagkakaroon kasi sila ng pagkakataong makasama sa mga pag-eensayo ang mga propesyonal na manlalaro, at ang mga pag-eensayong isinasagawa nila kasama sila ay ang mga ganitong klase ng labanan.