Para ang magkunwaring matalo, at ang pasiyahin muna ang kalaban sa pamamagitan ng pagpaparaya sa labanan ay isang bagay na talagang bumabagay sa ugali ni Li Rui. Nang mapag-isipan nila ng mabuti ang lahat ng ito ay naisip nila na talagang sinasadya ito ni Li Rui.
Ito ang pinaniniwalaan ng mga kasamahan ni Li Rui. Hindi nila inaakala na ang mayabang na Li Rui na kilala nila, ang Li Rui na walang nagiging pakialam sa kung sino man ang makalaban niya ay makakaramdam ng labis na nerbyos sa mga sandaling ito na halos hindi na siya makagalaw.
Hindi naman niya sinasadya na maging ganito ang maging kinahinatnan niya, talagang hindi lamang niya naigalaw ang kaniyang katawan, at utak kaya naging ganito siya. Sa simula pa lamang ng labanan ay lubusan talaga siyang natalo ng kaniyang kalaban.