Hindi na nagawang pigilan pa ng mga tagahanga ng Excellent Era ang kanialang galit. Marahil ay ito'y dahil sa panghahamak ng mga tumutuligsa sa kanila o maaring dahil sa katotohanang hindi nila nagagawang patumbahin ang Team Happy.
Naging mabilis ang pagkalat ng balita. Mayroong mga iilang manlalaro ang Guild Excellent Dynasty na kaagad namang namalayan ang pagkalat ng balitang ito. Pero dahil hindi naman sila nakatira sa City H ay bakit nila papansinin ang blaitang ito?
Gayunpaman, hindi nila inaakala na magiging ganito kalala ang sitwasyon. Sa ilalim ng panghihimok ng mga manlalarong tumutuligsa sa kanila ay itinuring na mortal na kaaway ng Excellent Era ang isang maliit, at pipitsuging Team na kagaya ng Team Happy.
Papaanong matitiis ng mga tagahanga ng Excellent Era ang lahat ng ito? Papaanong maging banta sa Excellent Era ang ganitong klase ng Team? Pero ang problema ay totoo naman kasi na malalakas ang mga manlalaro ng Team na ito.