Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 783 - Hindi Magkaparehas ng Antas

Chapter 783 - Hindi Magkaparehas ng Antas

Bukod sa isang ekspertong deretsahang umalis ay kasalukuyang sinisisi pa nilang lahat ang isa't-isa, pero syempre. Walang kahit na sino sa kanila ang aamin na sila nga ang may kagagawan ng lahat.

Ang mga taong nag-imbita sa mga ekspertong ito ay ngumiti na lamang ng mapait dahil hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin. Nilapitan silang lahat ni Chen Guo na tumatawa: "Isang laro lang naman ito, wala namang problema kung matalo. Ano sa tingin niyo kung isa pa?"

"Isa pa? Aalis na ako!" Tumayo ang isa sa natitirang mga eksperto't deretsahan siyang umalis. Nagmamadali siyang umalis na para bang takot siya na may taong pipigil sa kaniyang pag-alis.

Syempre, hindi siya pipigilan ni Chen Guo. Pero ang dapat na magpatigil sa kaniya, ang mga taong nag-imbita sa kaniya'y imbis na pumigil sa kaniya'y natahimik na lamang. Tama lang naman na patigilin nila sa pag-alis ang isang taong inimbitahan nila.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS