Sa Happy Internet Cafe, samu't-saring pangungutya't mga insulto ang sinalo ni Chen Guo, at karamihan sa mga manlalarong nandirito ngayon sa loob ng Happy Internet Cafe ay hindi titigil hanggang sa nagawa nilang ilabas ang kanilang emosyon.
Gayunpaman ay naging maganda ang reaksyon ni Chen Guo sa harap ng mga pangungutyang ito. Isa na sa mga dahilan kung bakit ay napaghandaan naman kasi niya ang reaksyon ng mga taong nandirito, at ang ikalawang dahilan ay naiintindihan naman kasi niya ang nararamdaman ng mga tagahanga.
Kahit naman siguro siya sa nakaraan ay tatawanan ang kahit na sinong taong magsasabing lalampasan nila ang Excellent Era't makakarating sila sa Pro-Scene.
Noong tanghali pa lamang ay napuno na ng mga manlalaro ang loob ng Happy Internet Cafe. Sa totoo lang ay mayroon pa ngang mga manlalarong naghihintay sa may labasan, at nagtatanong kung kailan sila makakagamit ng mga kompyuter.