"Mga kaibigan, tara! Maglaro na muna tayo."
Matapos marinig ang mga salita ni Chen Guo ay kaagad na tinawag ng ilan sa mga tao ang kanilang mga kaibigan para sama-sama silang makapaglaro dito sa Internet Cafe. Pero malinaw na hindi lahat ng mga taong nandirito ay nandirito para talaga maglaro.
Ang ilan sa kanila'y naengganyo lamang sa kanilang nakitang kaguluhan. At saka, sino ba naman ang talagang isasawalang-bahala na lamang ang kanilang mga trabaho para lamang sa kaguluhang ito?
Tanging ilan lamang sa mga taong nagkatipon sa labas ang pumasok sa loob ng Internet Cafe. At saka, ang ilan rin sa kanila'y pumasok lamang para makumpirma kung talagang totoo nga ba ang sinasabi ni Chen Guo.
Matapos malaman na hindi nga nagbibiro si Chen Guo ay umalis na sila para ipagpatuloy ang kanilang mga trabaho.