Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 770 - Training Program

Chapter 770 - Training Program

Nagising si Wei Chen nang mas maaga kaysa sa kahit na sino man. Pero sa mga sandaling nagising na siya'y kaagad niyang sinigawan si Ye Xiu para magising. Sa lakas ng mga sigaw niya'y nagulat ang lahat at nagising na rin sila.

Karamihan sa kanila'y nahirapang matulog ng maaga dahil sanay pa ang kanilang katawan sa mga magdamagang paglalaro. Dahil diyan ay sa mga panahong lumabas sila ng kanilang kwarto ay halos hindi pa nila maibuka ang kanilang mga mata't nakita na nilang nag-aaway sina Wei Chen at Ye Xiu.

"Anong ginagawa niyong dalawa?" Naguluhan ang lahat.

"Hindi pa naman lumilitaw ang mga BOSS, no?" Tiningnan ng isa sa kanilang ang kalendaryo.

"Hindi pa naman." Kinumpirma ng taong tumingin sa kalendaryo ang tanong ng isa sa kanila.

"Matulog na lang muna tayo?"

"Sige..."

Bumalik ang lahat sa kanilang mga higaan.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS

Related Books

Popular novel hashtag