Tanging matapos lamang makita ng dalawa ang mensaheng pinadala ni An Wenyi nalaman nila Ye Xiu at Chen Guo na tanging si An Wenyi lamang ang nagbigay ng partikular na oras kung kailan siya darating.
Kahit na wala naman talagang problema dito ay makikita mo naman kasi na mas metikuloso si An Wenyi sa mga bagay-bagay kung ikukumpara sa ibang mga ordinaryong tao.
"Mukhang magkakatipon na nga tayong lahat dito." Natuwa si Chen Guo. Sa wakas ay darating na rin ang mga sandaling magkakatipon na sa iisang silid ang lahat ng mga manlalaro ng Team Happy.
Hindi niya mapigilang maramdaman na para bang isang bagong pintuan sa kabanata ng kaniyang buhay ang mabubuksan sa mga sandaling nagkatipon na silang lahat.
Kasalukuyang papunta na rito si An Wenyi kaya syempre ay hindi pa nila maaring makausap siya. At saka, dahil wala rin namang mga wild BOSS sa mga panahong ito ay wala rin namang mangyayaring mali o masama kapag hindi nila makontak si An Wenyi.