Ipinaalam ni Ye Xiu kay Luo Ji ang ilan sa mga kasalukuyan nilang problema. Syempre, bilang isang estudyante sa isang kilalang unibersidad sa kaniyang tinitirhang siyudad ay naging madali lang para kay Luo Ji na maintindihan ang kasalukuyan nilang problema. Tumango naman siya bilang sagot.
Sinunod naman niya ang panukala ni Ye Xiu sa kaniya, pero hindi naging maganda ang naipakita niyang husay at galing sa mga panahong isinasagawa niya ang panukala ni Ye Xiu.
Nahiya si Luo Ji. Ibinaling niya ang kaniyang ulo kay Ye Xiu at sinabing: "Palagi ko namang iniisip na makakaya ko talagang gawin ang kahit na anong ipinapagawa mo sakin. Pero kapag sinusubukan ko na ay nahihirapan akong tapusin ito ng maayos na para bang mas mahirap ito kaysa sa aking inaakala."
"Walang problema diyan, dahan-dahanin mo lang. Magiging mas madali lang 'yan kapag nasanay ka na sa kung papaano gawin 'yan." Hinimok ni Ye Xiu na sana'y magpursigi pa si Luo Ji.