"Isang haka-haka lang pala ang balitang 'yun, nakakainis. Nag-iingay pa silang lahat sa ibaba para lamang sa wala!" Naging mabilis ang pag-alis ng lahat sa lamesa, at naging mabilis rin ang pagbalik nila. Tiningnan nila ang pinanggalingan ng balita at nalaman nila na isang spekulasyon lang pala ito.
Idagdag pa na hindi naman talaga maayos ang mga katwirang inilagay ng orihinal na sumulat sa balitang nagsasabing lilipat si Zhao Yang. Ang taong sumulat sa balitang 'yun ay isang taong walang magawa sa kaniyang buhay lamang.
Binitawan ni Chen Guo ang mga katagang ito, at naiinis na tiningnan niya ang buong Internet Cafe. Ito ay dahil sa ginusto niyang malaman kung sino 'yung hangal na sumigaw kanina. Sa loob ng Internet Cafe na ito. Ang pagkakalat ng pekeng balita ay isang krimen na may karampatang parusa.