Sa isang iglap lamang ay isang linggo na naman ang lumipas.
Nagpatuloy ang labanang nagaganap para sa mga wild BOSS, at nagpatuloy rin ang stratehiyang ginagamit ni Ye Xiu na kung saan umaalis sina Ye Xiu sa laro kapag naglalaro sina Zhang Xinjie, at Lin Jingyan.
Gayunpaman, sa linggong ito ay may nangyaring kakaiba na naging dahilan kung bakit labis na nagulat sina Ye Xiu at ang Tyrannical Ambition. Ito'y dahil sa mula sa Herb Garden, isang Witch ang hindi nila inaasahang dumating.
Kahit na si Wang Jiexi mismo ay gusto na ring lumikha ng gulo?
Noong una ay sumama ang pakiramdam ng lahat matapos nilang malaman na isang mala-Diyos na manlalaro na naman ang makikilahok sa labanan.
Kapag naging mas marami pa ang mga mala-Diyos na manlalaro ang makikilahok sa labanang ito ay hindi ba't magiging mas nakakapagod ang mga labanang haharapin nila sa hinaharap?