Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 757 - Ang Ika-Pitong Pamalit sa Alas na Manlalaro

Chapter 757 - Ang Ika-Pitong Pamalit sa Alas na Manlalaro

Nabigla rin si Ye Xiu. Pero naintindihan rin naman niya kung bakit dinuduro ng mga manlalaro ng Herb Garden si Lu Hanwen at tinatawag siyang walang-hiya. Ang kulay asul na awrang bumalot sa kaniyang espada kanina ay hindi isang skill ng isang Blade Master.

Ang pinagmulan ng kulay asul na awrang iyon ay ang isang skill ng isang Cleric na Wish Prayer.

Tinutulungan ng skill na ito na maibalik sa karakter na nilapatan ng skill na ito ang kaniyang mana.

Inakala ng lahat na isang duelo ang nagaganap na labanan sa pagitan ng dalawang Blade Master kaya hindi sila sumawsaw para tumulong. Pero walang kahit na sinong nag-akala na mayroong Cleric sa kampo ni Lu Hanwen ang maglalapat ng Wish Prayer sa kaniya.

Kapag mayroong mana ang isang karakter ay maari rin niyang magamit ang kaniyang mga skill. Kapag wala kang mana ay parang hubo't-hubad ka na rin, at walang kwenta. Hindi inaasahan ni Liu Xiaobie na magiging ganito ang takbo ng kanilang labanan.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS