Syempre si Wei Chen ang Group Leader ng pangalawang pangunahing hukbo ng Samsara. Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, lahat sa Samsara ay napataas ng kilay. Sino ang kanilang mga kalaban? Dalawa sa Master Tactician ng Glory si Zhang Xinjie at Ye Qiu. Kahit na, tinangka pa rin niyang ipagmayabang ang kaniyang abilidad na magutos sa harap nila!
Hindi lang sa walang nakaramdam ng kompyansa sa Samsara, nagsimula na rin silang pagdudahan si Wei Chen. Ilang mga manlalaro ay hindi siya binigyan ng mukhang maihaharap at nag-type ng pinagpapawisang emoji sa team chat. Maaaring pangalawang pangunahing group leader si Wei Chen, pero hidni naman talaga ganoon katas ang posisyon niya sa Samsara lalo na sa mga pangunahing mga manlalaro. Kahit na sinong may talent ay magagamit hanggang sa hanganan ng kanilang abilidad pero para maging tunay na pangunahing manlalaro ay nangangailangan ng katapatan at tiwala. Hindi makakakuha ng tiwala sa ganoon kaikling panahon ang bagong salta.