Kung wala sila sa kanilang team studio, malamang nasa kanilang mga sariling bahay ang apat na guild master. Kahit na ano pa man, madalang lang laruin sa labas ang online game. Ngunit, sa sandaling iyon, naramdaman nila na parnag nilunod ang mga salita ni Ye Xiu.
"SINO?" hindi makapaniwalang tinanong ulit ng apat. "Xiao Shiqin." Malinaw na idiniin ni Ye Xiu muli. Agad na natahimik ang apat.
"Kumusta…" Walang magawa na bumati si Xiao Shiqin.
Malinaw na alam niya na katumbas ang mga guild master ng isang namumuno sa isang departamento ng isang Club. Lahat ng apat sa harap niya ay mga pinagkakatiwalaang miyembro ng kani kanilang Clubs. Ang ipagbigay alam sa kanila na tumutulong siya kay Ye Qiu na magnakaw ng mga boss sa laro ay para naring sinasabi sa mga Club na ito at sa kanilang team ang tungkol dito. Hindi nagtagal, malamang alam na rin ng buong kumunidad.