Blue Brook Guild, Samsara, at Seaside ay nasa kakaibang sitwasyon. Mukhang hindi na makatarungan na subukan pang lumaban. Isa sa dalawang Diyos ang makakakuha ng talo pero sobrang nakakahiya ang umatras! Kahit na masasabi mo na 'O, nadaanan naming ang dalawang Diyos' ang pagtakas matapos makita sila ay nakakahiya ano? Kung kumalat ang balita, madali itong sabihin na takot ang isang team sa isa pang team. Hindi ito magiging katanggap tanggap.
Bilang resulta, kahit na hindi maganda ang pakiramdam ng tatlong guilds. Wala silang pamimilian kundi ang magpatuloy na parang tanga sa pakikipaglaban. Kahit na alam nilang wala silang pagasa sa huli, kailangan pa rin nilang humantong sa tamang hakbang. May sariling mga problema rin ang mga Club Guilds!