Shadow Steps. Walong anino!
Sa Finals, gumamit pa ng pitong anino si Huang Shaotian at sapat na iyon para pamanghain ang mga manonood. Sa buong Alliance, ang Blade Master na makakagawa lang ng pitong anino ay ang Blade Master ng Team Tiny Herb na si Liu Xiaobie pero kahit na marating ni Liu Xiaobie ang kailangang handspeed, hindi pa rin maganda ang kontrol sa mga anino. Hindi siya makakahanap ng balance sa pagitan ng kanyang handspeed at anino. Isa itong malaking problema na pumipigil sa kanya na gumaling pa. Kung susubukan niyang gumawa ng madami pang mag anino, agad na malalaman ng kabilang panig ang totoo sap eke, na nagpapawalang bisa sa skill
Naaabot ni Lu Hanwen ang walong anino. Sa bilang lang na ito ay sapat na para takutin ang lahat. Dahil ito ang pinakamataas na bilang ng Shadow Steps na nagawa ng kahit na sino sa Glory. Wala pang nakakaka kamit sa walong kompletong anino.