Matapos lumipad ng mga salamin, isang tao lang ang nahirapan sa karamihan. Gulong gulo na ang damit at buhok niya. Natapilok pa nga siya sa pagdaan, tumayo siya at narinig ang nagaalalang boses mula sa harapan niya: "Boss Xuan, ayos ka lang?"
Tumingin naman sa taas si Tao Xuan. Kalaban niya ang nagtatanong, ang mayari ng Happy Internet Café at tagasuporta ni YE Qiu, si Chen Gou. Sayang lang at hindi mapanatili ni Chen Gou ang kanyang pagarte. Hindi siya natural pagdating sa pagaasar ng mga tao katulad ni Ye Qiu. Noong tinanong niya kung ayos lang siya, nakatayo sa tuwa ang kanyang mga kila at hinayaang malaman ni Tao Xuan. Hindi talaga siya nagaalala sa kanya sa halip ay tinatawanan siya.