Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 70 - Copy Upgrade

Chapter 70 - Copy Upgrade

Sa huli, tumigil sa paghahabol sa kaniya ang Three Great Guilds. Pagkatapos napabuntong hininga, tinanggal ni Ye Xiu ang kaniyang headphones at umikot. Matagal na niyang naramdaman ang saya ng mga tao sa likod niya.

"Kaibigan, ang galing mo!!" Ang lahat ay humanga.

Napatawa si Ye Xiu: "Swerte, swerte."

"Anong inihulog nun?" May mausisang nagtanong.

"Nakakuha ako ng Blood Rifle." Sagot ni Ye Xiu. Nang makita ni Ye Xiu na nahulog ang item na iyon, kaagad niya itong pinindot. Si Seven Fields at ang mga kasamahan niya'y nakita ito at tinandaan nila ito. Malinaw naman na hindi nila lalabanan si kuyang mahusay para dito, pero paano na ang tatlong noobs?

Sa Glory, ang mga equipment ay walang mga bindings. Kahit na hindi mo magagamit ang isang equipment, pwede mo pa rin itong kunin at ibenta. Ang resulta, sa mga random parties, palagiang nagkakagulo sa isang dungeon. Kapag may kailangan ka para sa equipment, ang mga random parties ay hindi magandang piliin. Kapag may kailangan ka, mas mabuting maghanap ka ng isang guild o mga kaibigan. Sa paraang ito, makakapili ka ng mga kailangan mong class equipment. Ang mga random parties ay para lang sa pagpapapera at pagpapa-level.

Ang resulta, pagkatapos marinig ang kailangan ni Ye Xiu, kahit na si Seven Fields at ang mga iba pa'y hindi nag-roll para dito, hindi nila isinuko ito. Gusto nilang makita kung anong gagawin ng tatlong mga estranghero na iyon. Kapag sila'y nag-roll, sila rin ay magro-roll para rito at tutulungan si kuyang mahusay na makuha ang item. Mas marami silang kasama, kaya mas mataas ang chansa nilang manalo.

Pero sa katotohanan, masyado silang naghihinala. Ang tatlong manlalarong iyon ay mabilis na isinuko ang Blood Rifle. Pagkatapos si Seven Fields at ang mga iba pa'y isinuko rin ito. Ang Blood Rifle ay nahulog sa loob ng inventory ni Lord Grim.

Wala na silang oras para tingnang mabuti ang iba pang mga gamit. Palagiang sinasabihan sila ni kuyang mahusay ng "Takbo takbo takbo". Ang lahat ay pasumalang nag-roll. Ni hindi nga nila alam kung sinong nakakuha ng ano.

Masayang-masaya pa rin sila sa kanilang mga nakuhang equipment mula sa isang wild BOSS na nagre-respawn lang tatlong beses sa isang linggo. Kanina lang, naghulog ito ng apat na pirasong Blue equipment, lahat ay para sa Level 25. Sa totoo lang, ang kanilang swerte ay hindi maganda. Kung maganda, magkakaroong sila ng chansang makakuha ng Purple equipment mula sa wild BOSS.

Kung ikukumpara, ang first kill ang nagbigay sa kanila ng magandang pakiramdam. Nung nakita nila na halos nabaliw sa galit ang mga manlalaro ng Three Great Guilds, papaanong magkakaganoon sila kung ninakaw lang nila ang kanilang apat na Blue equipment? Palagiang tinitingnan ni Seven Fields at ang mga kasamahan niya ang mga pangalan nila sa leaderboard. Masyadong masaya sila na hindi nila mapigilang ngumiti.

At si Ye Xiu, maraming tao rin ang nakatao'y nanonood sa kaniya. Pero sa mga sandaling ito, nagsalita siya ng iilang mga salita para makaalis sa mga nakatipong tao. Hindi masyadong pamilyar ang mga iba pa sa kaniya. Pagkatapos ng maikling pag-uusap, nakita nilang wala nang

magandang tingnan pa, kaya sila'y umalis. Tanging si Chen Guo nalang ang nakatayo doon.

"Boss..." Bumati si Ye Xiu sa kaniya. Tiningnan ang oras, agad-agad siyang nag-log out sa kompyuter: "Pupunta ako sa reception desk." Malapit na mag-11, ang oras para sa night shift niya.

Nung makita niyang ganoon si Ye Xiu, nakaramdam ng pagkahiya si Chen Guo na sabihing hindi siya narito para tawagin siya sa kaniyang shift, kung hindi tingnan kung ano ang pinagmulan ng mga ingay.

11 o'clock. Biglang nabakante ang Internet Cafe. May mga ilang tao, na nandito lang para manood kay Ye Xiu, ay mabilis na umalis. Kahit na ang sigasig para sa bagong server ay nariyan pa, maraming mga bisita ang may mga trabaho at pag-aaral na gagawin, kaya wala masyadong tao na buong magdamag naglalaro.

Sa kadahilanang ibinibigay ng ibang mga trabahador ang kanilang shifts at umaalis, naramdaman ni Chen Guo na parang mas nabakante pa ang Internet Cafe. Tanging si Ye Xiu lang ang nakaupo sa reception desk. Pinuntahan siya ni Chen Guo at ang taong iyon ay pumasok nanaman sa laro. Siya'y talagang nakakainis. Bukod sa pagtulog at pagkain, tanging paglalaro lang ng magdamag ang alam ng lalaking ito.

Habang hinahamak siya ni Chen Guo. Siya'y pumunta sa kabilang parte ng Internet Cafe. Tumingin siya't nakita na si Tang Rou ay nasa harapan pa rin ng kompyuter, nakatuon ang pansin sa paglalaro. Ang screen ay biglang kumurap sa harapan niya, ngunit si ang mga mata ni Tang Rou ay hindi manlang kumurap.

Lumapit si Chen Guo at nakitang nakatuon pa ang pansin ni Tang Rou sa kaniyang ginagawa. Ang babaeng to'y medyo malas. Siya'y naglaro sa mga panahong pinakamaraming manlalaro ang naglalaro. Ang pagtatapos ng quests ay nakakapagod. Ngayong hindi na masyadong maraming tao ang naglalaro, bahagyang gumaan ang sitwasyon, at naging mas masaya ang pagtatapos ng quests.

Tinapik siya ni Chen Guo. Ibinaling ni Tang Rou ang kaniyang ulo at hinarap si Chen Guo, at nagtanong nang malakas: "Anong ginagawa mo?"

Tinanggal ni Chen Guo ang kaniyang headphones: "11 o'clock na."

"Ano? 11 o'clock na? Talagang hindi ko alam!" Nagulat si Tang Rou.

"Anong level?" Nagtanong si Chen Guo.

"Level 6." Dahil naglaro siya sa oras na maraming mga tao, talagang bumagal ang pag-level ni Tang Rou.

"Hindi ka pa matutulog?" Sabi ni Chen Guo.

"Umuna ka na! Maghihintay pa ako." Isinuot uli ni Tang Rou ang kaniyang headphones at bumalik sa mundo ng paglalaro.

"Kung ganoon uuna na ako. Matulog ka nang maaga." Sagot ni Chen Guo, pero si Tang Rou ay hindi sumagot. Malinaw na pagkatapos suotin ang kaniyang headphones, hindi na niya naririnig ang sinasabi ni Chen Guo. Nakaramdam ng kawalan si Chen Guo. Siya ang orihinal na pinakamalakas na fan sa Internet Cafe para sa Glory. Nung dumating si Ye Xiu at nadala si Tang Rou, pagkakita niyang masiglang naglalaro ang dalawa, talaga bang hindi na siya ginaganahan para dito? Habang nagiisip si Chen Guo tungkol dito, bumalik muna siya sa ikalawang palapag para magpahinga.

Talagang walang taong naglalakad ng walang patutunguhan. Ang lahat ay nakaupo sa kanilang estasyon at nakatuon sa paglalaro.

Pagkatapos bumalik si Ye Xiu sa laro, si Seven Fields at ang mga iba pa'y agad na nagtanong. Nung nakita nilang biglang nag offline yung kuyang mahusay, naisip nilang baka may nangyaring masama sa kaniya.

"Walang nangyari, okay lang ako. Pero kayong lahat ay dapat ring mag-ingat." Sagot ni Ye Xiu sa lahat.

"Wag kang mag-alala tungkol dun!" Si Seven Fields at ang mga kasamahan niya'y umasta na para bang mas mababa pa sa kanilang paningin ang pangyayaring iyon. Ang katatagan ng kanilang mga puso ay maiuugnay kay Ye Xiu. Noon, iniisip nila ang Three Great Guilds bilang mga diyos at sinasamba sila. Pero pagkatapos ilang beses na sumama kay Ye Xiu, namalayan nilang ang kanilang napakakitid ng kanilang paningin. Kung ikukumpara kay kuyang mahusay, papaanong matatawag pa silang mga diyos? Ngayon, matagumpay na sumama sila kay kuyang mahusay para manakaw ang BOSS mula sa Three Great Guilds. Silang lahat ay nakaramdam pa nga ng pagbubunying nailagay nila ang Three Great Guilds sa ilalim ng kanilang mga paa. Ang kanilang saya ay hinigitan ang kanilang pagaalala.

Para naman kina Immersed Jade, Steamed Bun Invasion, at ang mga iba pang kasamahan nila, ang mga noobs na ito'y walang ideya kung ano ang pakinabang at kawalan. Pero nung pinaghatian nila ang mga equipment kanina lang, sila'y nakaramdam ng sobrang saya.

"Babalik ako sa town." Ipinaalam ni Ye Xiu sa lahat.

"Oh oh. Hanggang sa muli nating pagkikita kuyang mahusay." Ang lahat ay kaagad na sumagot.

"Mag-ingat kayong lahat." Paalala ni Ye Xiu sa kanila. Si Lord Grim ay tumakbo sa Bulls. Ang maliit na town na ito'y isang safe zone. Hindi siya makakatanggap ng kahit na anong atake doon, kaya siya'y nakaramdam ng ginhawa na hayaan si Lord Grim at buksan ang equipment editor. Nilagay niya ang Blood Rifle na kaniyang nakuha sa editor.

Sa nagdaang dalawang araw, madali siyang nakatipon ng mga materyales. Ang Myriad Manifestation Umbrella ay may mga ilang parteng pwede i-upgrade. Pagkatapos buksan ang blueprint, mula sa opened umbrella form, maingat na pinagtanggal-tanggal ni Ye Xiu ang umbrella canopy. Ang umbrella canopy ay may walong parte. Ang umbrella libs ang naguugnay sa kanilang lahat para maging buong canopy.

Pumili siya ng isang canopy part at inilagay ito sa copy template. Sa kabilang dulo, binuksan niya ang material library at pinindot ang limang Strong Spider Silk.

Nagsimula na ang copying. Pagkatapos napuno ang progress bar, ang limang Strong Spider Silk ay naging kaparehas sa pagmumukha ng umbrella canopy. Pagkatapos, pitong beses niya itong kinopya. Ang walong Strong Spider Silk ay nahabi sa parte ng umbrella canopy.

Nadugtong ang bagong canopy. Ang baril at ang nakatagong espada na parte ang susunod.

Ang umbrella pole ay natanggal. Ito'y nahati sa dalawang parte: Ang pole at ang nakatagong espada sa loob ng pole. Ang dalawang parte ay nailagay sa copy template.

Sa pagkokopya sa pole, idinagdag niya ang Blood Rifle at ang Skeleton Warrior's Saber Sheath.

Ginamit ng nakatagong espada ang Skeleton Warrior's Saber.

Pinindot niya ang copy. Pagkatapos, maingat niyang inayos ang Myriad Manifestation Umbrella.

Napakaingat ang pagtrabaho ni Ye Xiu sa buong proseso. Pero makikitang parang hindi ito masyadong mahirap. Bukod sa pagtanggal-tanggal at pagaayos sa umbrella, puro pindot-pindot lang at pag-pindot sa copy ang kaniyang ginawa.

Pero kung wala sa kaniya ang original template ng Myriad Manifestation Umbrella, papaanong magkakaroon ng copy function?