Hindi naging maaga ang Blue Brook Guild. Sa mga sandaling nakarating na sila ay nakita na nila ang mga matagal na nilang kalaban kagaya ng Herb Garden, Tyrannical Ambition, at saka ang Excellent Dynasty.
Pero kahit na palagiang kinakalaban nila ang isa't-isa ay sinisigurado pa rin ng bawat isa sa kanila na ilayo ang relasyon nila sa laro, sa relasyon nila sa labas ng laro. May kasabihan silang lahat na kahit na magkakalaban sila sa loob ng laro ay magkakaiban naman sila sa labas.
Walang kahit na sino sa kanila ang magiging mabait kapag ang BOSS na ang pinag-uusapan. Pero dahil hindi pa naman sila nagsisimula ay hindi naman kakaiba na magkatipon silang lahat para pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang mga buhay.
Matapos makita ang mga nag-uusap na Guild Leader ay lumapit rin sa kanila si Blue River at kinamusta silang lahat.
"Oh, Blue Bridge! Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita, ah!"