Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 68 - Blood Gunner First Kill

Chapter 68 - Blood Gunner First Kill

Mabilis rin ang mga galaw ni Ye Xiu at ibinigay kay Seven Fields ang party leader position: "Ang lahat ay umatras."

Si Seven Fields at ang mga iba pang beterano ay hindi pa napapatay ang Blood Gunner, pero narinig nila ang storya ng Blood Gunner. Alam nila kung ano ang mangyayari kapag ang BOSS ay naging Enraged, kaya sila'y kaagad na umatras.

Mas naintindihan pa ito ni Ye Xiu kaysa kay Seven Fields. Hindi na niya kailangan pa ng paalala. Sa ilalim ng pamumuno ni Seven Fields, ang walong manlalaro ay umalis sa aggro range ng Blood Gunner, sumambulat ang bilis ni Ye Xiu. Gumamit ng ilang mga skills ang battle lance ni Lord Grim. Ang life ng Blood Gunner ay biglang bumagsak sa sampung porsyentong Red Blood.

"Ha ha ha ha ha..."

Ang Blood Gunner ay nagsimulang magtawag at nagbigay ng isang madugong-pula na ilaw. Pero ang mga manlalaro'y nakahanda para rito. May isang tao lang sa aggro range nito, at siya'y hindi ang party leader.

Ang mga galaw ng BOSS ay lubusang naintindihan, kaya wala itong nagagawa kung hindi mabugbog ng mga manlalarong ito. Ngayon ay kinakailangang kontrolin ni Ye Xiu ang Blood Gunner at siguraduhing hindi ito tatakbo sa iba habang nasa ganitong kalagayan.

Para kay Ye Xiu, ito'y napakadali kagaya ng pagkain ng pagkain.

Pagkatapos natapos ang summoning ng Blood Gunner, isang skeleton ang lumitaw sa gilid, nagmumukhang mahina at nag-iisa.

Si Seven Fields at ang mga kasaman niya'y hindi gumalaw. Nakita din nila ang patnubay para sa Blood Gunner. Kahit na sumali sila sa pagpatay ng ganitong wild BOSS kasama ang kanilang guild, hindi pa sila nakaranas nang ganitong summoning. Pagkatapos natapos ang summoning ng Blood Gunner, pwede na ba silang sumali at makipaglaban? Sila'y hindi sigurado.

"Kill!!"

Hanggang sa narinig nila ang utos ni Lord Grim.

Ang walo ay kaagad na bumalik para pumatay. Ang nag-iisang bantay na na-summon ng Blood Gunner ay agad-agad nabasag at napiraso. Sinong nagpapunta sa kaniya dito nang mag-isa.

Ang paglusob ay nagpatuloy.

"Magsu-summon pa ba ulit ang Blood Gunner?" Nagtanong si Seven Fields.

"Yup. Pagdumating sa five percent ang life, magsu-summon na naman ito. At bago ito mamatay, magpapaputok ito kahit saan." Sagot ni Ye Xiu.

"Talagang napakawalanghiyang BOSS! Level 26 at magpapaputok pa kahit saan." Tugon ni Seven Fields.

"Liimin mo lang ang pagilag at walang magiging problema. Ang huling random fire ay may mataas na chance na mag crit. Kapag may ilang tumama, siguradong mamamatay ka." Sabi ni Ye Xiu.

"Paano natin maiilagan ang random firing?" Nagtanong si Sleeping Moon.

"Para sayo...tumakbo ka sa malayo." Sagot ni Ye Xiu.

"T*ngna!"

Malinaw, na ang sitwasyong ito'y maganda. Ang mga mahuhusay at magagaling na mga manlalaro'y nakikitang kaya nilang tapusin ang Blood Gunner. Ang resulta, sila'y nag-uusap nang mahinahon. Nung tumama ang life sa five percent, ang walong manlalaro'y umalis nanaman sa aggro range. Ang Blood Gunner ay nag-summon ng nag-iisang zombie, na kaagad nilang pinagpipiraso.

Ang mga manlalaro ng Three Great Guilds, na nagpakita nang kanilang mga panga, ay papalapit na ng papalapit. Nakatanggap ng isa pang mensahe si Ye Xiu mula kay Endless Night, na mapagmataas pa rin na nagsasabing: "Ha ha ha. Nakikipaglaban pa kayo? Talagang kayo'y naghirap! Mas mabuti pang sumali na kayo sa aming guild."

Hindi ito pinansin ni Ye Xiu. Sa sandaling ito, kinakailangan niyang ituon ang kaniyang pansin sa pagpatay sa BOSS. Ang katotohanang ito ang lahat.

Lumapit ang mga manlalaro ng Three Great Guilds. Pero ang life ng Blood Gunner ay hindi parin ganoon kababa. Nagsimulang mag-alala si Seven Fields at ang mga iba pa. Parang wala na silang oras? Hindi sila masyadong nagtitiwala sa kanilang mga desisyon kagaya ni Ye Xiu.

"Cheng cheng cheng cheng..."

Para bang naririnig na nila ang tunog ng baril mula sa mga manlalaro ng Three Great Guilds.

"Scatter!!" Biglang sigaw ni Ye Xiu.

Si Seven Fields at ang mga iba pa'y mabilis na tumakbo at umalis na hindi lumilingon sa kanilang pinanggalingan.

Nang makita ang sitwasyong ito, ang mga manlalaro mula sa Three Great Guilds ay itinigil ang kanilang mga galaw.

"P*TA, NANAMAN?!" Mayroong sumigaw.

"Paanong napakagaling niyang tumayming!" Mayroong mga hindi nakapaniwala.

"Troops, sumama kayo sa akin!!" Sabi ni Blue River na hindi nagaatubili. Inilipat niya ang kaniyang group leader position sa isang party leader at nagdala ng sampung pinakamagaling na manlalaro para humabol.

Ginawa rin ng Tyrannical Ambition at Herb Garden ang parehong desisyon. Sila'y gumawa ng isang party na may sampung manlalaro. Sa pamamagitan nito, kahit na maging Enraged nanaman ang Blood Gunner, 30 na halimaw lang ang kaya nitong palitawin. Nag-iwan sila ng ilang mga back-up na kayang patumbahin ang Undead Legion habang pinapatay ang Blood Gunner.

Ang tatlong teams ay sumugod sa harap. Sila'y nagtagisan sa isa't isa kung sino ang unang makakarating. Sa panahong ito, muli nanamang binaliwala nila ang mga manlalarong nakikipaglaban sa Blood Gunner. Ito'y kanila nang nakasanayan.

"Bawat grupo ay kumuha ng tatlong manlalaro para tapusin ang mga taong iyon." Sigaw ni Blue River.

Hindi na nila pwedeng hayaang mabuhay ang party na iyon. Kahit na hindi nila patayin sila, kinakailangan nilang paalisin sila, para ang Blood Gunner ay pumunta sa off-combat state. Tanging doon lang mawawala ang pinsalang nagawa sa BOSS.

Para kay Lord Grim, bahagyang nanghihinayang si Blue River. Kung hindi sila magtutulungan, ang sitwasyong ito'y hindi madaling lutasin. Bahagyang nakaramdam si Blue River ng pagaatubili.

Ang guild leader ng Tyrannical Ambition ay sumang-ayon na at nagpadala ng tatlong manlalaro mula sa kaniyang party.

Tumingin si Blue River sa panig ng Herb Garden. Ang mga manlalaro'y naipadala, pero hindi niya nakikita si Plantago Seed.

"Asan si Plantago Seed?" Nagtanong si Blue River.

Isang manlalaro mula sa Herb Garden ay nahihiyang sinabi: "Namatay."

"Namatay?" Nagulat si Blue River. Sumunod ay ang kaniyang malakas na tawa nag nagpatuloy hanggang sa sumakit ang kaniyang tiyan.

Pagkatapos dumating ang Undead Legion, ang sitwasyon ay naging isang malaking gulo. Hindi kakaiba na may namamatay. Pero si Plantago Seed ay mahusay. Ang kaniyang mga equipment ay paniguradong maganda, at dapat na siya'y mas matagal mamatay kaysa sa iba. Pero sa huli, namatay pa rin siya. Naiisip niya kung papaanong nawalan siya ng pag-asa sa sitwasyong iyon.

Ang malakas na tawa ni Blue River ay nagpalumbay sa mga manlalaro ng Herb Garden, pero ang mas lalo pang nakapagpalungkot sa kanila ang dadating mamaya.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Si Cold Night ng Tyrannical Ambition ay nagtanong.

"Namatay si Plantago Seed." Sagot ni Blue River.

"Talaga? Congratulations!" Mahinahong tugon ni Cold Night.

"Sayo din! Sayo din!" Sabi ni Blue River.

Lahat ng mga manlalaro ng Herb Garden ay napasuka ng dugo.

Sa mga sandaling ito, ang mga manlalarong papalapit kay Blood Gunner ay narinig ang sigaw ni Ye Xiu: "Mag-ingat kayong lahat!!"

Pagkatapos narinig ang balitang namatay si Plantago Seed, bahagyang mabuti ang pakiramdam ni Blue River at siya'y mahinahong tumawa: "Wag kang mag-alala, kaibigan. Kaya namin 'to."

"Kung ganoon mabuti." Napatawa si Ye Xiu.

"HINDI MAGANDA!!!!" Biglang sumigaw si Thousand Creations. Ang taong ito, na mahilig mag kill steal, ay may natural na pakiramdam ukol sa life ng isang halimaw. Sa mga sandaling ito, kahit na hindi pa siya nakakalapit dito, sumama ang kaniyang pakiramdam.

"Anong problema?" Nagtanong si Blue River.

"Ya ya ya ya ya!!!!" Nagsimula nanamang nagsisisigaw si Blue River at nagbibigay ng madugong-pula na ilaw.

Pero sa mga sandaling ito, siya'y nakaporma.

Horse stance. Ang dalawa niyang kamay ay nakakuros sa itaas ng kaniyang dibdib. Ang kaniyang kaliwang kamay ay sinosuportahan ang baril sa kaniyang kanang kamay.

"F*ck me, random firing!!!!" Ang mga eksperto'y natumba.

Hindi tumigil sa pagsisigaw ang Blood Gunner. Ang baril sa kaniyang kanang kamay ay naging pinagmulan ng pagkawasak. Hindi mabilang na bala ang sabay-sabay na lumipad sa lahat ng direksyon. Kahit na, ang baril na nasa kamay nito'y isang revolver, ang chain firing nito'y mas mabilis pa kaysa sa machine gun, at hindi pa nito kinakailangang mag-reload. Ito'y isang skill!

Ang mga manlalaro mula sa Three Great Guilds na sumugod ay tinabunan ang kanilang mga ulo at tumakbo na para bang mga daga. Tatlong manlalaro ang kaagad namatay. Sila'y napakalapit. Sa bilis ng firing speed, wala silang oras para umilag. Squatting, pag-higa, pagbabaluktot, kahit na ano pa ang gawin nila, silang lahat ay ginawa ang kanilang makakaya para mabuhay.

Pero ang taong sumalo sa buong atake ay si Lord Grim. Gayunpaman, nung tumingin ang lahat sa kaniya, ang nakita lang nila ay isang ulap ng usok.

Iyon ay ang Shadow Clone Technique nanaman.

Pero sa mga sandaling ito, ang totoong katawan ay hindi lumitaw sa paligid ng BOSS. Siya'y lumitaw sa itaas at nasa hangin.

Bumagsak si Lord Grim at gumamit ng Fighter skill Eagle Stamp at tinadyakan ang ulo ng Blood Gunner.

Isang paa, dalawang paa.

Ang battle lance ay lumipad. Isang mid-air Circle Swing!

Kahit na ang Blood Gunner ay mayroong Super Armor habang siya'y nagpapaputok kahit saan, ang Circle Swing ay isang skill na hindi pinapansin ang Super Armor.

Pinapaikot-ikot ng battle lance ang Blood Gunner, gumuhit ng isang 270 degree na arko.

Tumigil ang random firing. Ang mga manlalaro ng tatlong guild ay para bang nakuha muli nila ang kanilang buhay. Samantala, si Lord Grim ay gumamit na ng isang Sky Strike, Dragon Tooth, at isang Falling Flower Palm.

Kaagad na isinigaw ng Blood Gunner ang kaniyang huling sigaw.

System Announcement: Seven Fields, Lord Grim, Steamed Bun Invasion, Grazing Fire, Bright Mushroom, Sleeping Moon, Drifting Water, Immersed Jade have completed the Blood Gunner's first kill!

Agad-agad namutla ang mga mukha ng mga manlalaro mula sa Three Great Guilds. Si Ye Xiu ay mabilis na nagpadala ng mensahe sa party: "Ibigay niyo sakin ang Blood Rifle. Sainyo na ang matitira!"