"May kaibahan!" Ang taong sumagot kay Chen Guo ay hindi si Ye Xiu kundi si Loulan Slash. Kahit na hindi nakakakumpara ang husay, at lakas niya sa paglalaro kay Ye Xiu. Malakas naman ang abilidad niya sa pamamahala.
Isang halimbawa na rito ang mga pagkakataong nagawa niyang samantalahin para lubusang maging sikat ang kaniyang Team. Sinamantala niya ang lahat ng mga maari niyang masamantala't hinamak niya ang ibang mga malalaking guild para makuha ang suporta ng karamihan.
Pero ngayong ang pinag-uusapan na nila ay isang sensitibong bagay kagaya ng pagnanakaw sa isang wild BOSS ay biglang nawala ang pagmamayabang na nananalaytay sa kaniyang mga ugat. Imbis na maging kalmado't kampante ay nagdalawang-isip na si Loulan Slash.
Kasi naman, kahit na ganito ang pag-uugali niya ay matatawag mo pa rin naman siya bilang isang matinng tao.