Napuno pa rin ang lugar ng Darkness Palace ng hindi mabilang na alamat tungkol sa turo ng laro. Mukhang maliitang mga characters sa laki ng palasyo. Kung titignan ang kisame, mukha itong hindi maabot na langit. Pero para sa mga may karanasan ng manlalaro, wala ng nakakamangha sa kanila. Tanging sina Tang Rou at steamed Bun lang na hindi pa nakakarating dito. Matapos pumasok sa palasyo, tumingin tingin sila kung saan at nilasap ang magandang tanawin. Nakontak na noon nina Ye Xiu at Loulan Slash ang bawat isa. Noong makarating sila sa palasyo, nakita nilang nagiintay ang grupo nila Loulan Slash. Agad silang inimbita ni Loulan Slash na sumali sa kanilang team at direktang binigay sa kanya ang posisyon ng group leader.
Noong makita niya ang suot na equipment ng tatlo, naawa si Loulan Slash! "Kaibigan. Magkakasakit ako sa kakatingin sa equipmen t niyo." Sabi ni Loulan Slash.
"Edi bigyan mo kami ng equipment. Ayo slang sa akin." Sagot ni Ye Xiu.