"Kaliwa, kaliwa, kaliwa!"
"Pigilan niyo! Pigilan niyo! Pigilian niyo!"
"Atras! Atras! Umatras kayo!"
Ang walang-humpay na sigaw na ito ay halos bumalot na sa buong Practice Room na naging dahilan kung bakit halos hindi na rin marinig ng mga taong nandirito ang kung ano na ang mga kaganapang nangyayari sa huling labanan sa season na ito.
Masyadong mahirap paniwalaan na isang dungeon na para sa limang manlalaro lamang ang kasalukuyang kinaroroonan ng buong Team ng Happy. Idagdag pa na mayroon silang dalawang pambihirang manlalaro na kasama, habang sila ay nasa loob ng dungeon.
Pagkatapos nilang maayos ang kanilang mga sarili ay napabuntong hininga na ang lahat. Hindi naman sa mahirap ang dungeon, nahirapan lang silang lahat dahil masyadong masama lang kasi ang kagamitang suot nilang lahat ngayon.
Kahit na si Ye Xu ay walang nagawa kundi ang utusan ang lahat na tumakbo sa ilang mga partikular na parte sa loob ng dungeon na ito.