Dahil sina Tang Rou, at Steamed Bun mismo ang nagpalakas sa kanilang mga karakter mula Level 1 ay alam na alam nila ang pasikot-sikot sa likod ng kanilang mga karakter. Gayunpaman, hindi pa malawak ang kanilang karunungan tungkol sa mga karakter ng ibang mga class.
Kahit na naging marami naman ang karanasan nila kaharap ang mga manlalaro sa Arena ay hindi naman nila naipanalo ang kanilang mga laban sa pamamagitan ng pagsasamantala sa kahinaan ng kanilang mga kalaban.
Natalo nila ang kanilang mga kalaban, dahil sa kanilang husay at galing. Pero maliwanag na hindi ito sapat para mapantayan nila ang lakas ng mga propesyonal na manlalarong kakaharapin nila sa hinaharap.
Malapit na sa max-leveled ang kanilang mga karakter, at dahil sa napasiyahan nilang lumahok sa Pro-scene ay hindi na nila kailangang pansinin pa ang mga dungeon at mga BOSS.