Sinulyapan ni Wei Chen si Ye Xiu. Hindi ba't parang sinasabi na rin ni Ye Xiu na dapat ay gamitin niya ang kaniyang pera para sa kapakanan ng Team? Grabe, napakawalang-hiya niya talaga.
Pero syempre, parang binibiro lamang niya ang sarili niya kapag sinubukan niyang gumawa ng imbensyon o ialay ang kaniyang pera para sa kaunlaran ng tao. At saka, dahil intensyon rin naman niya na tulungan ang Team noong una pa lamang ay walang problema sa kaniya na gawin 'yun.
"Ahem, kailangan nating magpadali't palakasin pa ang ating mga karakter." Sabi ni Wei Chen sa kanilang lahat. Sa dami ng perang nasa mga bulsa niya ngayon ay naging mas masigla ang tono ng kaniyang pananalita.
Umasta na siya na siya'y parang isang dakilang monghe na walang pakialam sa kung ano man ang mga nangyayari sa kaniyang paligid. Taliwas sa nakagawian na niyang kawalang-hiyaan.