"Mmhmm, mahihirapan akong sagutin ang katanungan na 'yan." Bahagyang naging kakaiba ang pakiramdam ni Wei Chen. Sa totoo lang ay ang plano niya noon ay gumawa ng mga ganitong klase ng account, para ibenta sa pamilihan.
Talagang wala sa mga plano niya ang gumawa ng Team at bumalik sa Pro-Scene. Dahil dito ay sa mga panahong tinanong ni Ye Xiu sa kaniya ang katanungang ito ay nahirapang sumagot si Wei Chen.
"Ang ibig kong sabihin ay mas mabuti sana kung gagawin natin 'yang dalawa ng sabay-sabay." Hindi deretsahang sinagot ni Wei Chen ang katanungan ni Ye Xiu.
"Sa tanda mo nang 'yan, sa tingin mo ba'y kakayanin mo pa?" Muling tinanong ni Ye Xiu si Wei Chen.
"Hindi naman kasi madali ang kumita ng pera." Sabi ni Wei Chen.
"Pero ngayon ay nasa importanteng yugto tayo sa pagpapalakas ng ating Team. Kaharap ang Excellent Era, sa tingin mo ba'y magkakaroon ka pa ng sapat na oras para pagsabayin ang dalawang 'yan?" Sabi ni Ye Xiu kay Wei Chen.