Si Tao Xuan na kasalukuyang nakaupo sa harapan ng kaniyang komputer ay napatawa ng malakas matapos maipadala ang kaniyang sagot kay Ye Qiu. Sa totoo lang ay labis na naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman ngayon ni Ye Qiu.
Kahit na sino naman siguro ay kakabahang harapin ang isang Team na kagaya ng Excellent Era, lalong-lalo na kapag sila ay isang grupo na kakatatag pa lamang, at hindi pa masyadong malalim ang pundasyon sa mundo ng Glory.
Para kay Tao Xuan, talagang hindi maganda sa kaniya na bumagsak sila't kailangan pang lumahok sa Challenger League para lamang makabalik sa Professional League. Pero sa totoo lang ay nakaramdam na siya ng pananabik ngayong nalaman niya kung gaano niya pinag-alala si Ye Qiu.