Kahit na hindi naman isang malaking proyekto ang pagpapagawa sa ikalawang palapag ay hindi rin naman ito maituturing na isang maliit na proyekto. Gayunpaman, dahil si Chen Guo mismo ang namamahala sa proyekto ay mabilis itong natapos.
Sa mga panahong natapos na ang proyekto ay kaagad nilang pinasok ang mga kagamitang inihanda na nila noong una pa lamang. Tiningnang maigi ni Chen Guo ang buong paligid at lubusang natuwa siya sa kinahinatnan ng lahat.
Tanging sa mga panahong ito lamang niya tinawag ang lahat para matingnan rin nila ang bagong Practice Room ng buong Team.
"Hindi ba't parang sobrang maliwanag yata dito?" Pinangunahan ni Ye Xiu ang daan, at nasabi niya ang mga katagang ito matapos makapasok. Tumatagos ang liwanag ng araw mula sa mga bintana, dahilan para hindi niya lubusang maibuka ang kaniyang mga mata.
"Talagang masyadong maliwanag nga." Sumang-ayon si Wei Chen sa sinabi ni Ye Xiu.