Sa mga sandaling dumapo ang mga mata ni Chen Guo sa pangalang nakaukit sa puntod ay napuno ng kung anu-anong mga ideya ang kaniyang isipan sa kung sino sa buhay ni Su Mucheng ang taong binibisita ng dalawa.
Marami pa sana ang gustong malaman si Chen Guo, pero dahil sa masyadong malayo siya sa puntod ay hindi na niya nakikita pa ng maayos ang iba pang mga nakasulat. At saka, dahil ayaw distorbohin ni Chen Guo ang dalawa ay dumistansya na lamang siya.
Pero syempre, dahil gustong-gusto niya talagang malaman ang lahat ay hindi kaagad sumuko si Chen Guo. Yumuko siya't sinubukang makita ang mga impormasyong nahaharangan ng dalawa.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pagsisikap ay biglang tumalikod si Ye Xiu, at doon sa di-kalayuan ay nakita niya ang yumuyukong si Chen Guo.