"Napanood mo na ba ang labanang ito?" Bago pa man magsimula sila sa panonood ay tinanong ni Wei Chen si Ye Xiu.
"Saglit na napanood ko lang 'yan nung matapos na ang labanan nila." Sabi ni Ye Xiu. Dahil hindi pinalabas ng Happy Internet Cafe ang labanang ito sa araw na 'yun ay kinakailangang panuorin ni Ye Xiu ito ng mag-isa pagkatapos ng labanan.
"Oh." Tumango naman si Wei Chen, at hindi na siya nagsalita. Sa screen, nagsimula na ang labanan. Sa mga nakikita ng lahat ay naging mabilis ang takbo ng laban. Sa katunayan ay sa mga panahong natapos na ang Individual Competitions, at Group Arena. Nasa noo na niya ang mga kamay ni Wei Chen.
"Grabe ka, ah! Tingnan mo nga kung papaano mo sila inapi! Talagang ano nga ba ang ginawa mo sa kanila?!" Sabi ni Wei Chen.