Sa isang iglap lamang ay ginawang paksa kaagad ni Wei Chen ang isa sa mga malalaking isyung kinakaharap ng buong Team. Ni hindi man lamang niya itinago ng maayos ang kaniyang mga bagahe't tinanong kung saan siya matutulog.
Sa isang iglap rin ay hindi mapigilang magbago ng bahagya ang tingin ni Chen Guo sa kaniya. Kahit na ano pa man ang kaniyang pag-uugali ay isang bagay na karapat-dapat na respetuhin ang pagmamahal niya sa mundo ng Glory.
"Ano nga ba talaga ang mga plano ng Excellent Era?" Pagmamadaling tanong ni Wei Chen kay Ye Xiu.
"Papaano ko naman malalaman 'yan?" Sabi ni Ye Xiu.
"Parang sinasabi mo na wala ka yatang nalalaman tungkol sa mga ganiyan." Nabigla si Wei Che, bago sinabing: "Hindi ba't ikaw ang dakilang..."