Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 608 - Isang Hindi Kapani-Paniwalang Pangyayari

Chapter 608 - Isang Hindi Kapani-Paniwalang Pangyayari

Habang naguguluhang tinititigan siya ng babaeng nasa likuran ng kahera ay sinulyapan ng binatang may mahabang buhok ang kaniyang cellphone, paulit-ulit siyang bumubulong sa kaniyang sarili't sa isang ngiti ay bigla siyang nagsalita: "Chen Guo?"

"Steamed Bun!" Isang boses ang biglang umalingawngaw sa likuran ng kahera. Hindi inaasahang nakatayo pala doon sina Ye Xiu at Chen Guo! Kapag nagpapalabas ng isang sikat na labanan ang iInternet Cafe ay hindi pinupuntahan ng dalawa ang mga upuang nasa unahan.

Inilalaan nila ang mga upuan doon para sa kanilang mga kustomer. Kadalasang nakaupo sila sa malayo o hindi kaya'y sa likuran ng kahera.

"Po?" Sumagot naman ang binatang 'yun at ibinaling niya ang kaniyang ulo. Dumapo ang kaniyang paningin sa dalawang taong nakangiti sa kaniya.

"Lord Grim, Chasing Haze." Inilabas ni Ye Xiu ang kaniyang account card, at ipinakilala ang kaniyang sarili at si Chen Guo.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS