Hindi inaasahan ng mga manlalarong nandirito na babalik naman pala kaagad si Dazzling Spring, at hindi rin nila inasahan na sa mga sandaling nakabalik na siya'y magsasagawa kaagad siya ng isang malaking patayan.
Lumikha siya ng daanan na napapalibutan ng mga bangkay ng manlalarong pumanaw sa mga atake niya. Sa mga panahong nakuha na niya ang itaas na parte ng tulay ay nagpaulan na naman siya ng bala.
Kahit na wala na rito ang mga manlalaro ng Blossom Valley para tumulong sa kaniya ay naging sanhi pa rin ang mga malalakas, at walang-humpay na atake niya para halos magpakamatay sa inis ang mga manlalaro ng Tyrannical Ambition.
Hindi hinintay ni Dazzling Spring na malaman ng lahat ng mga manlalaro kung ano nga ba ang mga nangyayari. Tumalon siya't pinuntahan ang mga mas mataas pa na bahagi ng tulay. Matapos makita ito ng ibang mga manlalaro ay sumama kaagad ang kanilang pakiramdam.