Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 581 - Natutuwang Mga Knight

Chapter 581 - Natutuwang Mga Knight

Nagkaroon ng mga agam-agam ang dalawang Guild Leader. Hindi sila nangahas na gumawa ng kahit na anong galawan.

Nasaan nga ba ang BOSS? Ang katanungang ito ay hindi na dapat pang sagutin. Dahil nandito naman silang lahat ay papaanong makakatakas sa mga mata nila ang BOSS?

Pero dahil sa dami nilang lahat dito ay may ilang mga manlalaro ang hindi nagawang makita ang BOSS gaya ni Unrivaled Super Hottie. Matapos lumabas ang katanungang ito ay may ilang mga manlalarong hindi mapigilang lumingon sa isang partikular na direksyon.

Namalayan ni Ye Xiu ang ginawa nilang paglingon kaya sinunod niya ang ginawa nila, at doon nga'y nakita nila ang BOSS.

Walang kahit na sino ang gumalaw sa kahit saang kampo. Pero sa kalagitnaan ng katahimikang ito ay mag-isang gumalaw si Unrivaled Super Hottie na naging sanhi ng pagkagulat nilang lahat.

"Anong ginagawa mo?!"

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS