Hindi magiging maganda para sa kaniya ang tanggapin ang mga kagamitang ito. Pero hindi rin maganda na hindi niya ito tanggapin. Mabuti na lamang ay may mga utak rin ang mga kasamahan ni Jiang You, matapos marinig ang sinabi ni Unrivaled Super Hottie ay kaagad na sumabat ang Guild Leader ng ika-apat na sangay ng Tyrannical Ambition at sinabi niyang.
"Sa tingin ko'y ako dapat ang humawak ng mga kagamitang 'yan! Kasi naman, kahit ano pa ang sabihin natin ay miyembro ka pa rin naman ng ika-apat na sangay!"
Naging mabilis ang pagkaresolba ng problema na ito. Kahit na si Flight ay natuwa sa kinahinatnan ng eksena. Matapos marinig na miyembro pa rin naman ng ika-apat na sangay si Unrivaled Super Hottie, papaanong hindi siya matutuwa sa narinig niyang ito?