Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 567 - Labanan Sa Ilalim ng Tubig? Marunong Ako Diyan!

Chapter 567 - Labanan Sa Ilalim ng Tubig? Marunong Ako Diyan!

Walang naging reklamo si Seven Blossom Leaves kahit na kinuha ni Unrivaled Super Hottie ang trabaho niya bilang ang pangunahing Tank. Pinahiram niya ang mga kagamitan niya't walang anu-ano'y nakipagtulungan pa. Ang mabait na si Seven Blossom Leaves ay nakatagpo ng isang tao na talagang hinahangaan niya, dahil diyan ay wala nang nasabi pa ang iba niyang mga kasamahan.

Sa isang madaliang Provoke ay hindi nagkaroon ng sapat na oras ang mga alagad ng BOSS na atakihin si Unrivaled Super Hottie bago sila nahatak papalayo. Hindi na pinatagal pa ng ikatlo, ika-apat at ng ika-limang Tank ang lahat.

Kahit na magaganda na ang mga kagamitan ni Unrivaled Super Hottie ay hindi naman ibig sabihin na maaring tumayo na lamang siya't tanggapin ang mga pinsalang inilalapat ng mga maliliit na halimaw sa kaniya. Kailangang may tumulong pa rin at umalalay sa kaniya.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS