Mabuti na lamang ay nakapaghanda na ang bawat isa sa kanila para sa labanang ito. Sa mga sandaling sumalpok sa pader ang apat na estatwang bato ay sinimulan ng mga manlalaro ang kanilan mga atake.
Malinaw sa bangis at lakas ng kanilang mga atake na hindi nila binibigyan ng pansin ang aggrong mailalapat nila sa mga estatwang bato na baka maaring maging dahilan kung bakit malipat sa kanila ang aggro ng BOSS.
Ito'y dahil sa ang hangarin nila sa stratehiyang ginagamit nila ngayon ay kontrolin mismo ang galaw ng mga estatwang bato. Kung sa lakas ng kanilang mga atake ay hindi nagagawang gumalaw ng mga estatwang bato, ano naman ang maaring magawa nito kahit na malipat sa kanila ang aggro?
Matapos ang isang Heroic Leap lamang ay nahatak ni Unrivaled Super Hottie ang isa sa mga halimaw papalayo. Sa likuran niya ay nakahanda na sina Seven Blossom Leaves at ang iba pang mga Knight para gamitin ang kani-kanilang mga Knight's Spirit.