Aatakihin na sana ng apat na estatwa ang ika-limang Tank, bigla silang tumalikod at sinugod ang isang manlalaro imbis na ang ika-limang Tank. Sabay-sabay nilang sinugod ang nagmamayabang na Tank na si Unrivaled Super Hottie.
Sa mga panahong ito ay walang kahit na sino sa mga manlalaro ang nagreklamo tungkol sa pagmamayabang ni Unrivaled Super Hottie, dahil alam nilang lahat kung ano ang dapat na pagtuonan nila ng pansin sa mga sandaling ito.
"Bilisan niyo't umatake na kayo!" Sabay-sabay na napasigaw ang kanilang pangunahing Tank na si Seven Blossom Leaves at ang kanilang pangkalahatang pinuno na si Happy Sheep.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang mga manlalaro. Sa mga sandaling ito ay wala silang pakialam kung magiging sanhi nga ba ang kanilang mga atake na mawala ang aggro ng BOSS sa kasalukuyang pangunahing Tank o kung nagsasayang ba sila ng mana.
Umatake lang sila't ginamit ang kung ano mang maari nilang magamit para atakihin ang BOSS.