Hindi maikakaila na ang dungeon na papasukin nila ang isa sa mga pinakamalaking dungeon sa buong mundo ng Glory. Syempre, magiging isa rin sa pinakamahirap tapusin ang dungeon na ito kaysa sa mga ordinaryong dungeon.
Para malabanan 'yan ay kinakailangang malalakas ang mga kagamitang gamit-gamit ng bawat isa sa isang-daang manlalarong papasok sa dungeon.
Isa sa mga dahilan kung bakit ginagamit ng bawat manlalarong sasali sa labanang ito ang buo nilang lakas ay dahil isang beses lamang maaring mapasok ng kahit na sinong manlalaro ang ganitong klase ng dungeon.
At saka, kapag namatay sila sa loob ng dungeon ay hindi na sila maaring mabuhay pa ng mga Priest. Ibig sabihin ay kapag namatay sila ay talagang patay na sila.