Matapos tamaan ng isa na namang malakas na atake ay pagalit na ibinaling ni Aldton ang kaniyang ulo sa manlalarong umatake sa kaniya. Habang ginagawa niya ito ay patuloy rin ang pagbulwak niya ng apoy mula sa kaniyang bunganga, at dahil ibinaling niya ang kaniyang ulo ay sumunod ang apoy sa kung saan nakaturo ang kaniyang ulo't dumeretso ito kay Unrivaled Super Hottie.
Isang pigurang halos hindi maaninag ang dumating sa harapan. Ang pigurang 'yun ay si Unrivaled Super Hottie.
Kasalukuyang tinatakasan niya ang Dragon Breath na halos dumaplis na sa kaniyang balat. Sa bilis ng mga pangyayari't sa kalmadong pigura ni Unrivaled Super Hottie, parang ang lahat ng mga nangyayari ay isang eksena sa isang maaksyong palabas.